Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano yung nakikita mong makulay na number na umaandar na nilalagay sa baba pag may news o kaya yung makikita sa mga dyaryo?
Ano nga ba ang Stock Market?
Ang stock market ay ang koleksyon ng stocks ng ibat-ibang company. Dito ka makakabili at makakapagbenta ng stocks.
Once na makabili ka ng kahit isang shares ng kompanya matatawag ka ng shareholder nito. Ang ganda pakinggan di ba? haha. . .
Paano kikita sa Stock Market?
Sabihin natin na si Juan ay bumili ng sampung shares ng Jollibee sa halagang sampung piso pagkalipas ng isang taon tumaas ang stock price ng Jollibee sa halagang bente pesos kada share. Ngayon ang Pera ni Juan ay tataas ang halaga dahil ang sampung shares na hawak nya ay 20 pesos kada share na ngayon.
Pwede ka rin makakuha ng dividend ng isang company. Ang dividend ay ang kita ng isang company na pinapamahagi niya sa kanyang shareholder. Ang sarap di ba? :) make your money work for you...
May chance ba na mabawasan ang pera ko sa stock market?
Oo, lahat naman ng investment may kaakibat na risk. Pag bumaba ang earnings ng company kasabay nito ang pagbaba ng investment mo sa kanila. Gaya nung nangyari sa Resorts World nagkaroon ng pamamaril ayun bumaba ang stock price niya.
Payo ko sa inyo aralin nyo mabuti ang stock market bago kayo magsimula dahil matatalo ka dito pag wala kang alam kung paano ang kalakaran dito.
Investor o Trader?
Eto ang dalawang pagpipilian mo sa pagpasok sa stock market. Investor ba ako o Trader?
Investor - ang mga investor ay for long term kinukuha nila ang pera nila 5 to 20 years wala silang pakielam sa pagbaba at pagtaas ng chart.
Trader - ang trader ay nagbebenta at nabili ng stock sa ilang araw pwedeng isang araw, pwedeng dalawa, basta short term lang sila. Mahala sa kanila ang chart at ang galaw sa market.
Paano makakapagsimula sa stock market?
Para makapagsimula sa stock market kailangan mong mag apply ng trading account sa isang broker. Eto ang ilan sa mga broker na alam ko BPI,BDO at COL Financial. I recommended COL Financial madaling mag apply .
Hanggang dito na lang muna, pa comment na lang po for questions. Thank you!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ano ang Stock Market?
Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano yung nakikita mong makulay na number na umaandar na nilalagay sa baba pag may news o kaya yung makik...
-
Hi, I’m Jason Lewiz! I’m a wanderer who wishes to travel the world and make a change. I’ve been a trader and investor since 2017. Today, ...
-
Viewfruit is an online paid survey . The process is fairly straightforward. You sign up with a paid survey site, and complete a membe...
-
First of all what is ZAP? ZAP is an establishment offering points. The point that you will earned can be traded for gadgets like cellph...
No comments:
Post a Comment